Manila, Philippines – Aprubado na sa ikatlo’t huling pagbasa sa Kamara ang panukalang pabilisin ang pagproseso ng business permits at mga lisenya.
Sa ilalim ng House Bill 6579, mabubuo ang Ease of Doing Business Commission (EODBC) na siyang magpaplano, magpapatupad at magpapangasiwa sa paglalabas ng mga business requirements sa National at Local Levels.
Layon ng panukala na magkaroon ng transparency sa business registrations at iba pang public transactions.
Nakasaad sa batas na minamandato ang mga National Government Agencies (NGA) at Local Government Units (LGUS) na ipakita ang mga checklist of requirements sa alinmang uri ng lisensya, clearance at permit.
Kapag naisabatas ito, aabutin na lamang mula isa hanggang sampung araw ang pagproseso ng mga applications habang aabutin naman ng 30 araw para sa mga special types ng business na kailangan ng clearance, accreditation na inisyu ng mga government agencies.
Nabatid na isa sa ipinangako ni Pangulong Rodrigo Duterte na putulin ang red tape sa gobyerno.