APRUBADO NA | Rear Admiral Empedrad, opisyal nang magsisilbing FOIC ng Philippine Navy

Manila Philippines – Inaprubahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang siyang opisyal na commander at flag officer in command ng Philippine Navy si Rear Admiral Robert Empedrad.

Pirmado ni Pangulong Duterte nitong Martes, Enero a disi sais ang liham niya para kay Defense Secretary Delfin Lorenzana bilang pagbibigay abiso.

Epektibo ang pagiging FOIC ni Empedrad nito pang Disyembre a disi nuebe ng nakalipas na taon, subalit nitong Martes lamang inilabas ang papel para ito pormal na iabiso sa DND.


Si Empedrad ang naging Officer-In-Charge o OIC nang sibakin sa pwesto ni Secretary Lorenzana ang dating commander na si Vice Admiral Ronald Joseph Mercado dahil sa nababalam na computer at weapons systems project ng Philippine Navy.

Facebook Comments