Manila, Philippines – Lusot na sa ikalawang pagbasa sa kamara ang House Bill 7753 o ang Rice Tariffication Bill.
Sa ilalim ng panukala, tinatanggal ang limit sa importasyon ng bigas at ipinauubaya ang rice importation sa pribadong sektor pero may katapat na taripa.
Itinatakda ng panukala ang taripa na 35 porsiyento sa aangkating bigas sa mga miyembro ng ASEAN habang 40 percent naman kung ang import na bigas ay mula sa mga bansang hindi kasapi sa ASEAN.
Papayagan pa rin naman ang National Food Authority (NFA) na mag-angkat ng bigas pero para lamang ito sa pagtiyak ng food security at pag-maintain ng buffer stock na sapat para sa 15 araw.
Lilikha rin ng rice competitiveness enhancement fund mula sa duties na makokolekta sa pag-aangkat ng bigas.
Facebook Comments