NAGBABALA | Sen. Lacson, nagbabala sa posibleng pagbabalik ng pork barrel ng mga kongresista

Manila, Philippines – Nagbabala si Senador Panfilo Lacson sa posibleng pagbabalik ng pork barrel ng mga kongresista.

Ito ay matapos sabihin ni House Speaker Gloria Arroyo na mabibigyan ng budget ang distrito ng lahat ng mga kongresista taliwas sa kalakaran noon ni dating House Speaker Pantaleon Alvarez.

Giit ni Lacson, kapag hindi binantayang mabuti ay tiyak niyang balik sa happy pork barrel days ang mga kongresista.


Aniya, mawawalan ng saysay ang paghahanda ng national budget at maging ng development plan ng national at Local Government Unit (LGU).

Kasabay nito, hinikayat ni Lacson ang kapwa niya senador na busisiing mabuti ang panukalang 2019 budget lalo na ang aprubahan ng Kamara.

Facebook Comments