Manila, Philippines – Idineklara ng House Committee on Ways and Means na “approved in principle” na ang ikalawang bahagi ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion o TRAIN 2.
Ayon kay Deputy Speaker Sharon Garin, si Albay Rep. Joey Salceda ang nagmosyon para aprubahan in principle ang TRAIN 2 sa komite.
Nagdesisyon naman ang komite na pinamumunuan ni Rep. Dakila Cua na bumuo ng technical working group para dito i-consolidate ang iba’t ibang bersyon ng TRAIN 2.
Ibabalik naman sa mother committee ang consolidated version ng TRAIN 2 na siyang iaakyat sa plenaryo.
Ang TRAIN 2 ay walang bagong ipapataw na buwis kundi ito ay para sa pagbaba ng corporate income tax at pag-rationalize ng incentives na ibinibigay sa mga kumpanya.
Tiniyak naman ni Cua na titimbangin nila ito para hindi makadagdag sa problema sa inflation sa bansa.