APRUBADO | Pag-amyenda sa Anti-Sexual Harassment Act, lusot na sa 2nd reading

Pasado na sa ikalawang pagbasa ang panukala na nagpapalawak sa sakop ng batas laban sa sexual harassment.

Inaamyendahan ng consolidated version na House Bill 8244 ang Republic Act 7877 o Anti-Sexual Harassment Act.

Sa ilalim ng panukala, inaatasan ang mga kumpanya at tanggapan na magpatupad ng polisiya laban sa sexual harassment.


Mahaharap sa kaukulang parusa ang sinumang gagawa ng sexual harassment na ginawa physically, verbally o visually gamit ang internet o makabagong teknolohiya, ito man ay sa loob o labas man ng trabaho, paaralan o training institutions.

Mananagot din sa batas ang mga superior o person in authority na magha-hire, magbibigay ng pabor tulad ng appointment, promotion, benefits at compensation kapalit ng sexual favor.

Maliban dito, may kaparusahan din sa mga kasamahan sa opisina na mangiinsulto sa sexual orientation at manunulsol sa sexual harassment ng iba pati na rin ang boss na hindi aaksyon dito.

Facebook Comments