APRUBADO | Panukalang armasan ang mga barangay chairman, sinang-ayunan ng DILG

Manila, Philippines – Aprubado kay DILG OIC Secretary Eduardo Año ang mungkahing armasan ang mga barangay captains depende sa bigat ng mga kasalukuyang banta para sa kanilang personal na kaligtasan.

Aniya ang mga barangay chiefs ang sinasabing first line of defense sa grassroots level ng DILG at ang kanilang pagkakalantad sa iba’t-ibang scalawags at criminal elements ay mataas, kaya kailangan nila ang proteksyon.

Nilinaw ni Aَño na ang pag-aarmas sa kanila ay para sa self-defense purposes lamang dahil sapat ang pwersa ng pulisya para labanan ang mga lawless elements.


Maaaring bumili ang mga barangay officials ng kanilang sariling baril sa legal na paraan at bibigyan ng permit to carry.

Puwede din silang tanggapin bilang miyembro ng CAFGUS o Special Civilian Armed Forces upang ma- isyuhan sila ng government firearms at mission orders.

Ang pahayag ni Sec Ano ay tugon sa pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na kinokunsidera ang pag aarmas sa mga barangay captains para matiyak ang kanilang kaligtasan laban sa war against drug and criminality.

Facebook Comments