Inaprubahan ng Ireland ang panukalang batas na layong bawasan ang pagkonsumo ng alcohol.
Sa ilalim ng Public Health Bill, ipakikilala ang minimum price per unit ng alcohol, hihigpitan ang advertising, paghihiwalay ng alcoholic products mula sa retail areas inside shops at paglalagay ng cancer warning labels sa mga container.
Ayon kay Health Minister Simon Harris – ito ay kauna-unahang pagkakataon sa kanilang kasaysayan na gumawa ng batas para sa alcohol.
Makatutulong aniya ito na mabago ang kulutra ng pag-inom ng alcohol sa Ireland.
Base sa 2015 report ng World Health Organization report, ika-12 ang Ireland sa buong mundo na nangunguna sa alcohol consumption sa mga adult.
Sa Europe, ang Ireland ay ikalima nitong 2016 sa pagkonsumo ng alcohol na may edad 15 pataas.
Ang alcohol ay kabilang sa tatlong pangunahing dahilan ng kamatayan sa Ireland, base sa 2016 report ng health research board.