APRUBADO | Panukalang gawing 10 araw ang service incentive leave, lusot sa ikalawang pagbasa

Manila, Philippines – Inaprubahan sa ikalawang pagbasa sa Kamara ang panukalang batas na magbibigay ng dagdag na yearly service incentive leave sa lahat ng empleyado.

Sa ilalim ng House Bill 6770, Principal Author si Baguio Representative Mark Go, dadagdagan ang service incentive leave ng mga empleyado mula sa lima ay magiging 10 araw na para mapalakas ang morale, wellness at productivity ng mga manggagawa.

Aamyendahan nito ang Labor Code of the Philippines.


Hindi sakop ng panukala ang mga empleyado na mayroon nang kaparehas na benepisyo, mayroong vacation leave with pay na aabot sa 10 araw at mga establisyimento na mayroon lamang hindi bababa sa 10 empleyado.

Exempted din sa panukala ang mga establisyimento na ikukunsidera ng Department of Labor and Employment (DOLE) base sa viability at condition nito.

Facebook Comments