HULI! | Lalaki, arestado sa marijuana sa Pampanga

Pampanga – Arestado ang isang lalaki matapos ikasa ang buy-bust operation laban sa kaniya sa isang resettlement site sa Angeles City sa Pampanga.

Nasamsam sa suspek na si Sherwin Macabanti ang nasa 282 malalaking pakete ng tuyong marijuana.

Aminado si Macabanti na nagbebenta siya ng marijuana dahil sa malakas ang kita dito.


Ang naturang resettlement site ay siyang nilipatan ng mga pamilyang naninirahan noon sa riles ng Philippine National Railways (PNR).

Facebook Comments