Manila, Philippines – Aprubado na sa House Committee on Government Enterprises and Privatization ang panukalang mas maagang optional retirement para sa mga kawani ng gobyerno.
Sa ilalim ng consolidated version ng panukala na inihain nina Act Teachers Reps. Antonio Tinio at France Castro, gagawing 56 years old ang optional retirement age mula sa kasalukuyang 60 taong gulang.
Habang mananatili naman sa 65 years old ang mandatory retirement age.
Layon ng nasabing panukala na bigyan ng kalayaan ang mga empleyado ng gobyerno na magretiro nang mas maaga na buo pa rin ang retirement benefits.
Sa oras na maisabatas ang nasabing panukala ay aamyendahan nito ang GSIS Act of 1997.
Facebook Comments