APRUBADO | Suportang pinansyal sa mga maiiwang pamilya ng mga opisyal sa judiciary, pasado na sa ikatlong pagbasa

Manila, Philippines – Aprubado na sa ikatlo at huling pagbasa ang panukala na magbibigay ng suportang pinansyal sa mga maiiwang pamilya ng mga opisyal ng hudikatura na mapapatay dahil sa trabaho.

Sa botong 170 Yes at 0 No ay naipasa ang House Bill 8121 kung saan bibigyan ng tulong at benepisyo ang immediate family ng judiciary official na nasawi na may kaugnayan sa pagtupad sa trabaho.

Gagawaran ng buwanang pensyon ang mga mauulilang asawa at anak ng mahisttrado ng Korte Suprema, Court of Appeals, Sandiganbayan, Court of Tax Appeals pati ang mga hukom ng mga lower courts na mapapatay dahil sa pagtupad ng tungkulin.


Mabibigyan din ng scholarship ang dalawa sa anak ng mabibiktimang mahistrado o hukom sa mga state universities at colleges.

Tatanggapin ng naulilang asawa ang mga benepisyong ito habang siya ay nabubuhay o hanggang sa makapag-asawa muli.

Sakali namang mamayapa ang mga asawa ng nasawing mahistrado o hukom ay saka lamang ililipat ang benepisyo sa mga naulilang anak.

Facebook Comments