Manila, Philippines – Pinababawi ni Senate Minority Leader Franklin Drilon ang panukalang pondo ng Bases Conversion and Development Authority (BCDA) para sa 30th Southeast Asian (SEA) Games.
Ito ay matapos bigong masagot ng BCDA kung paano matitiyak ng ahensya na hindi masasayang ang mga pasilidad na itinayo sakaling magtapos na ang palaro.
Ayon kay Drilon, nararapat lang na busisiing maigi ng pamahalaan ang nasabing pondo para hindi ito masayang.
Kasabay nito, iimbitahan ng Senado ang BCDA sa Lunes, Nobyembre 18 para muling pagpaliwanagin ukol sa kung anong mangyayari sa mga pasilidad sakaling matapos ang SEA Games.
Tiwala naman si Drilon na maiintindihan ni BCDA Presidente Vince Dizon.
Facebook Comments