Araneta Bus Terminal, hindi inaasahan ang dagsa ng tao na uuwi ngayong Holy Week

270

Hindi na inaasahan ng pamunuan ng Araneta Bus Terminal ang pagdagsa ng tao na pauwi ng probinsiya ngayong Holy Week.

Paliwanag ng management, wala na kasi sa terminal ang biyahe papuntang Bicol at Visayas na karaniwang dinadagsa ng mga papauwing pasahero.

Nailipat na sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) sa Paranaque at Balibago sa Sta. Rosa ang kanilang mga terminal.


Bukod tanging mga bus na may biyaheng Southern Tagalog at Central Luzon na lang ang pinapayagan sa Araneta Center.

Samantala sarado pa rin hanggang ngayon ang isa pang bus terminal sa loob ng Araneta para sa mga airconditioned buses.

Gayunman, naghahanda na rin ang terminal para sa paglalatag ng seguridad ngayong panahon ng Semana Santa.



Facebook Comments