PNP, tiniyak na mabibigyang hustisya ang pagkamatay ng pulis sa Laguna dahil sa anti-gambling operation

Nakikiramay si Philippine National Police (PNP) Chief General Dionardo Carlos sa pamilya ng pulis na namatay kahapon sa pagganap ng kanyang tungkulin sa Barangay Sulib, Pangil, Laguna.

Ayon kay PNP chief, nahuli na kagabi ang suspek sa pamamaril at pagpatay kay Police Chief Master Sergeant Gilbert Robles Briz, 42 anyos ng Pangil Municipal Police Station sa Laguna.

Kinilala ang suspek na si Ronilo Oliveros Ruben alyas Babap, isang welder, ng Brgy. Sulib, Pangil, Laguna, na unang nakatakas matapos na barilin si MSgt. Briz nang magsagawa ng anti-gambling operation ang mga pulis na nauwi sa enkwentro.


Nahuli ito ng pinagsanib na pwersa ng Pangil Municipal Police station (MPS) at Siniloan Municipal Police Station.

Siniguro ni PNP chief sa naulilang pamilya ng pulis na makakamit nila ang hustisya, kasabay ng pangako na matatanggap nila ang lahat ng kaukulang benepisyo at tulong pinansyal.

Facebook Comments