Manila, Philippines – Pinayuhan ni Magdalo Partylist Rep. Gary Alejano ang pamahalaang Duterte na huwag sayangin ang katapangang ipinamalas ng mga beterano noong World War II.
Ngayong Araw ng Kagitingan, nakilala sa buong mundo ang kabayanihan ng mga Pilipino dahil sa kanilang katapangan at kagitingan para maipaglaban lamang ang soberenya ng ating bansa.
Giit ng kongresista, sobrang nakakadismaya na mismong ang kasalukuyang gobyerno at mga lider ng bansa ay tila mahina at walang magawa sa panghihimasok ng mga dayuhan partikular ang China sa ating mga teritoryo.
Ito naman aniya ang kaduwagan at pagtatraydor na ipinamamalas ng mga leaders ng bansa sa buong mundo.
Sinabi pa ni Alejano na magsilbing paalala ang Araw ng Kagitingan na responsibilidad ng lahat ng mga Pilipino na pagsilbihan at ipagtanggol ang ating bansa sa abot ng makakaya.
Pinatitiyak naman ng kongresista sa gobyerno na natatanggap ng mga beterano ang pag-aalaga at nararapat na benepisyo para matugunan ang pangangailangan ng mga ito.