Kasabay ng ika-81 taon ng Araw ng Kagitingan ay kinilala ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang kadakilaan ng ating mga bayani sa nangyaring “Fall of Bataan” sa kamay ng Japanese troops.
Diin ni Romualdez, patunay ito na mula sa pagbagsak dahil sa mga kinakaharap na matitinding pagsubok ay kayang-kayang ng nagkakaisang mga Pilipino na bumangon, lumaban at magtagumpay.
Ayon kay Romualdez, ang mahusay na paglaban ng mga Pilipino sa COVID-19 pandemic ay patunay rin ng lakas ng loob, katatagan at kakayahang magtagumpay ng mga Pilipino.
Diin ni Romualdez, nanalaytay talaga sa dugo ng mga Pilipino ang tapang at matinding fighting spirit, kaya patuloy nating nalalampansan ang anumang hirap na ating nararansan.
Sabi ni Romualdez, mainam na humuhugot ng lakas ang ating bansa mula sa sakripisyo, tapang, galing at kabutihan ng ating mga bayani.