Kasabay ng paggunita ng Araw ng Kagitingan sa April 9 magkakasa ang mga militanteng grupo ng kilos protesta.
Kalahok ang Bagong Alyanssng Makabayan sa pagkilos sa harap ng China consulate.
Ayon sa grupo napapanahon na para ipakita ng sambayanan ang nagkakaisang tinig, ang pagtutol sa lumalalang panghihimasok ng China sa West Philippine Sea.
Maliban sa pananakop sa West Philippine Sea, nakita rin ang isang dredging ship ng China sa Lobo, Bantangas.
Giit ng Bayan tungkulin ng bawat Pilipino na ipagtanggol ang soberenya at territory ng Pilipinas, lalo na kung nagdadalawang-isip o urong-sulong ang Rehimeng Duterte.
Facebook Comments