ARAW NG MGA BAYANI | AFP, hangad na maging makabayan ang mga Pilipino ngayong National Heroes Day

Manila, Philippines – Nakiisa ang Armed Forces of the Philippines sa selebrasyon ng National Heroes Day ngayong araw sa Libingan ng mga bayani sa Taguig City.

Ayon kay AFP Public Affairs Office Chief Col. Noel Detoyato pinangunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang tradisyunal na wreath laying rites sa libingan ng mga unknown soldier kaninang umaga.

Ito ay bilang pagalala at kabayanihan ng mga sundalo na nagbuwis nang kanilang buhay para sa tinatamasang kalayaan ngayon.


Umaasa ang pamunuan ng AFP na sa pagdiriwang ng National Heroes day ngayong araw ay mas mapapakita ng mga Filipino ang pagiging makabayan.

Samantala sa panig ng Philippine National Police, sinabi ni PNP Chief Police Director General Oscar Albayalde na ang araw na ito ay ang panahon para makapagisip at mabago ang professional commitment ng mga pulis upang sundin ang rule of law para magawa ang kanilang mandatong makapagsilbi at protektahan ang taong bayan.

Facebook Comments