Arawang COVID-19 case sa bansa, inaasahang bababa na sa 3,000 sa Disyembre

Inaasahang makakapagtala na lamang ang bansa ng 3,000 hanggang 4,000 kaso ng COVID-19 kada araw pagsapit ng Disyembre.

Habang maglalaro na lamang sa 400 hanggang 600 ang daily new cases sa Metro Manila.

Paliwanag ni OCTA Research Fellow Dr. Guido David, ang pinakabagong projection ay mas mababa sa nauna nilang pagtaya noong Setyembre 29.


Gayunman, nakadepende pa rin aniya ito sa magiging trend ng COVID-19 sa bansa.

Una nang sinabi ni David na ang kasalukuyang seven-day average ng COVID-19 new cases sa NCR ay nasa 1,933 na pinakamababa simula noong Hulyo 31 hanggang Agosto 6.

Facebook Comments