Arawang COVID-19 cases sa NCR, bumaba ng 27% – OCTA

Bumaba na sa 27% ang naitatalang COVID-19 cases kada araw sa National Capital Region

Ayon sa OCTA Research, mula May 10 hanggang May 16 ay bumaba sa 1,479 ang average na kaso ng COVID-19 kada araw.

Naitala naman ang reproduction number sa 0.57 habang ang positive rate ay bumagsak sa 11%.


Base sa Department of Health (DOH), itinuturing bilang moderate risk ang Navotas, Malabon, Manila, Taguig, Caloocan, Pasay at Muntinlupa pagdating sa average attack rate.

Nasa 45% naman ang Health Utilization Rate (HUR) habang 57% ang occupancy rate sa mga Intensive Care Unit (ICU) sa Metro Manila.

Facebook Comments