Arawang kaso ng COVID-19 sa QC, tumaas ng 112% – OCTA Research

Inanunsyo ng OCTA Research, mula sa 62 daily average ay nasa 132 cases na ngayon ang arawang kaso ng COVID-19 sa lungsod ng Quezon.

Ito ang record na inilabas ng OCTA Research kasunod ng patuloy ng paglobo ng XBB.1.16 Omicron subvariant ng C0VID-19 sa bansa na mas kilala sa tawag na Arcturus.

Ayon sa OCTA Research, tumaas din ang positivity rate sa 23.5% mula sa dating 17.3%.


Ito ang bilang ng nagpopositibo mula sa mga sumasailalim sa COVID-19 test.

Ang reproduction number ng Quezon City ay nasa 1.88, mas mataas ng bahagya kumpara sa 1.76 lamang noong nakaraang linggo.

Dahil dito ay muling nagpaalala ang lokal na pamahalaan na patuloy na mag-ingat at sundin ang pinapatupad na minimum health protocol, upang maging ligtas laban sa virus at iba pang nakahahawang sakit.

Facebook Comments