DOT, nagpasalamat sa Pacific Asia Travel Association sa pagtulong sa tourism workers para manumbalik muli ang turismo sa Laguna

Nagpasalamat ang Department of Tourism (DOT) sa pagtulong ng Pacific Asia Travel Association o PATA sa mga tourism worker ng Pagsanjan, Laguna upang manumbalik muli ang sigla ng turismo sa lugar.

Matatandaan na nagsagawa ang PATA katuwang ang DOT ng fund raising para sa muling pagbangon ng tourist activites sa naturang lugar.

Ito’y sa kabila ng paglulunsad ng Gala night ng PATA para makalikom ng pondo sa pagre-rehabitate sa mga pasilidad ng Pagsanjan Falls.


Ayon kay Tourism Secretary Christina Frasco na layon ng naturang programa na masuportahan ang mga bankero sa Pagsanjan, Laguna upang makatulong ibangon muli ang sigla ng turismo sa Pagsanjan Falls at sa iba pang karatig na lugar nito.

Samantala, aminado ang ahensiya na malaki talaga ang naiaambag ng pribadong sektor sa pagtulong nito sa muling pagbangon ng tourism sector ng Pilipinas.

Facebook Comments