Arbitral Award ng Pilipinas, nais i-akyat nina del Rosario, Carpio at Morales sa UN General Assembly

Hinimok nina dating Supreme Court Associate Justice Antonio Carpio, dating Ombudsman Conchita Carpio Morales at dating Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario ang pamahalaan na i-akyat sa United Nations General Assembly (UNGA) ang International Arbitral Award na napanalunan ng Pilipinas laban sa pag-aangkin ng China sa halos buong South China Sea.

Ang 75th Regular Session ng UNGA ay gaganpin sa September 15, 2020.

Giit ng tatlo, hindi dapat sayangin ng mga Pilipino ang pagkakataong ito na mapakinggan ng mga bansa.


Marami na anilang nasayang na panahon sa pagsasantabi sa 2016 arbitral ruling.

Nakikita ng tatlo na ang UNGA ang tamang panahon para i-akyat ang award sa international stage.

Una nang sinabi ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. na hindi niya i-aakyat ang arbitral award laban sa Beijing dahil mauuwi lamang ito sa debate.

Nabatid na ipinangako ni Pangulong Rodrigo Duterte na i-aakyat ang arbrital award sa tamang panahon.

Facebook Comments