Archbishop Cruz, hindi kumbinsido sa report na nagsasabing bumaba ang crime rate sa bansa

Manila, Philippines – Hindi kumbinsido si Archbishop-Emeritus Oscar Cruz ang inilabas na report ng Philippine National Police na bumaba ang crime rate sa bansa.

Sa interview ng RMN, sinabi ni Cruz na sa halip na bumaba, tila dumami pa nga raw ang mga nangyayaring krimen sa bansa.

Samantala, tiwala rin si Cruz na handa ang CBCP na makipagtulungan sa Senado.


Kaugnay ito ng hiling ni Senador Panfilo Lacson sa simbahan na tulungan silang mapaharap sa Senado ang mga pulis na umano’y handang magbunyag ng nangyayaring extra judicial killings sa bansa.

Pero ayon kay Cruz, desisyon pa rin ito ni CBCP President Socrates Villegas.

Facebook Comments