Archbishop sa Cotabato City, umaasang pansamantala lang ang implementasyon ng batas militar sa Mindanao

Manila, Philippines – Kahit hindi nagpahayag ng pagkontra iginiit ng mga obispong katoliko sa Mindanao na patuloy silang magbabantay sa pagpapatupad ng martial law doon.

Ayon kay Cotabato City Archbishop Orlando Quevedo, umaasa silang pansamantala lang ang implementasyon ng batas militar.

Aniya, mayroon silang takot pero wala silang matibay at solidong basehan para i-reject o kondenahin sa ngayon ang deklarasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na martial law laban sa ISIS-linked terror group na maute.


Sinabi pa ni Quevedo na kaisa sila sa pagkondena sa terorismo na lumalapastangan sa tunay na kahulugan ng isang relihiyon at sumisira sa magandang relasyon ng mga taong may magkakaibang pananampalataya dahil sa nililikha nitong mundo ng pagdududa, pag-abuso, galit at karahasan.

Kasabay nito, hinikayat nito ang lahat na maging kalmado sa harap ng martial law; maging masunurin sa atas ng mga otoridad at iwasan ang pag-uudyok ng marahas na reaksyon.

DZXL558

Facebook Comments