ARCHBISHOP SOCRATES VILLEGAS, MAY PANAWAGAN SA MGA BOTANTE NGAYONG PAPALAPIT NA ANG HALALAN

Bagamat hiwalay ang estado ng pamahalaan at simbahan sa bansang Pilipinas, nanawagan si Archdiocese of Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas sa mga botante ukol sa mga lider na dapat piliin sa paparating na halalan sa May 12, 2025.

Inilahad ni Archbishop Socrates Villegas sa paglulunsad ng Tibok Pinoy Voter Empowerment and Prayer Campaign, sa isang unibersidad sa Dagupan City na mayroon umanong kinatatakutan ang tao dahil sa iba’t ibang dahilan.

Aniya, pagdating ng halalan, dito masusukat ang mga bobo, kuripot, at duwag.

Samantala, kaakibat ng pagiging tapat at pagkakaroon ng integridad sa pagboto ang puso at isipang malinis na hindi ipinagbili ngunit sa isang tao’y pinili ito ng naayon sa kanyang konsensya. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments