Hinimok ni Archdiocese of Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas ang mga katoliko na magkaisa sa pananampalataya sa kabila ng mga krisis na kinakaharap ng bansa matapos ang pag-aresto kay Dating Presidente Duterte.
Nakapaloob sa inilabas na Pastoral Letter ng Arsobispo para sa ikalawang linggo ng kwaresma na maaring magkaisa para sa hustisya at katotohanan sa kabila ng pagkakaiba-iba sa pananaw.
Hindi rin dapat kalimutan ang hinagpis ng mga naulilang pamilya dahil sa madugong laban kontra droga at patuloy na naghahanap ng hustisya.
Sa huli, hinimok ng arsobispo ang publiko na piliing magtimpi at umiwas sa paninira sa isa’t-isa dahil lumilikha lamang ito ng dibisyon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments