DIPALO RIVER PARK SA SAN QUINTIN, PANSAMANTALANG ISASARA

Pansamantalang isasara ng isang linggo ang Dipalo River Park sa San Quintin bilang paghahanda sa posibleng pagdagsa ng bisita sa pagsapit ng Holy Week.

Base sa anunsyo ng lokal na pamahalaan, kinakailangan isara pansamantala ang naturang pasyalan upang maisaayos ang mga pasilidad at operasyon ng mga picnic cottages.

Madalas pasyalan ng mga turista ang Dipalo River tuwing tag-init dahil sa malinaw at malamig na tubig at ilan pang aktibidad tulad ng trekking.

Isasara ang river park mula Simula ngayong araw at muling bubuksan sa March 22. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments