Inilunsad ng Archdiocese of Lingayen Dagupan ang “Simbayanihan” na nagsusulong ng aktibong partisipasyon ng bawat Pilipino sa kampanya nito sa good governance.
Mula sa 85 dioceses sa buong bansa nanguna ito sa paglulunsad ng programa sa Archdiocesan Caritas Day.
Sa naturang programa kasama dito ang ilang mga kapatid sa pananampalataya na nagsasasama-sama para sa iisang adhikain.
Ayon kay Caritas Philippine Executive Secretary Rev. Fr. Tony Labiao, kinakailangan ang good governance, principled politics at principled leadership.
Nakatakdang magsagawa ng koordinasyon ang samahan sa ibat-ibang organisasyon upang ilapit ang mga ito sa ahensya ng National Government at Local Government Unit.
Dumalo sa paglulunsad ang ilang Evangelical Movement Representatives, Muslims at iba pang non-government agencies. | ifmnews
Facebook Comments