Monday, March 2, 2026

Archdiocese of Manila, hinihikayat ang lahat na manalangin para sa kapayapaan sa gitnang silangan

Hinihikayat ng Archdiocese of Manila ang bawat Pilipino na isama sa panalangin ang pagkakaroon ng kapayapaan at matigil na ang kaguluhan sa Gitnang Silangan.

Sa inilabas na circular order na pirmado ni Chancellor Fr. Carmelo Arada Jr., nananawagan si Manila Archbishop Cardinal Jose Advincula sa mga tauban ng simbahan katoliko na mag-alay ng panalangin para maghari ang kapayapaan sa buong mundo.

Bukod dito, hiling rin ng Archdiocese of Manila na araw-araw magdasal ng rosaryo para mamayani ang kapayapaan at pagkakaisa.

Matatandaan na maging si Bishop Ruperto Cruz Santos ng Roman Catholic Diocese of Antipolo ay una na rin hinihikayat ang Overseas Filipino Workers (OFWs) sa Middle East na manalangin at manatiling alerto para sa kanilang kaligtasan.

Giit ni Bishop Santos, sa ganitong sitwasyon, panalangin ang kinakailangan para matigil ang kaguluhan at manatili ang kapayapaan.

Payo pa ni Bishop Santos sa mga OFW at iba pang pinoy na nasa mga bansa kung saam nagaganap ang kaguluhan, makinig sa mga abiso ng mga otoridad o ng gobyerno at manatili sa mga tahanan o trabaho para na rin sa sariling kaligtasan.

Facebook Comments