Archdiocese of Manila, magsasagawa ng clergy penitential walk bilang paggunita sa ika-150 anibersaryo ng kabayanihan ng Gomburza

Magsasagawa ng clergy penitential walk ang mga pari sa Archdiocese of Manila bukas, Pebrero 17.

Ito ay bilang pag-gunita sa ika-150 anibersaryo ng kabayanihan ng tatlong paring martir na sina Padre Mariano Gomes, Jose Burgos at Jacinto Zamora o mas kilala bilang Gomburza.

Bago ang penitential walk, magdaraos muna ng misa sa Manila Cathedral alas-9:00 ng umaga at maglalakad sila patungo sa execution site ng Gomburza sa Luneta.


Pagkatapos nito, didiretso ang kaparian ng arkidiyosesis sa Archdiocesan Shrine of Nuestra Señora de Guia sa Ermita upang mag-alay ng panalangin.

Facebook Comments