Archibishop Oscar Cruz, Bukas Sa Banta Ni President-Elect Rodrigo Duterte Na Pagsiwalat Sa Mga Pang-Aabuso Ng Mga Pari

27

MANILA – Bukas si Archbishop Emeritus Oscar Cruz sa banta ni President-Elect Rodrigo Duterte na isiwalat ang mga obispo na abusado.Ayon kay Archbishop Cruz, wala silang problema sa plano ni Duterte para malaman ang mga kasamahang abusado.Aminado umano siya na hindi perpekto ang mga obispo at ilan sa mga ito ay sangkot rin sa mga hindi magandang gawain.Samantala, muli namang nilinaw ni Cruz ang isyu kaugnay sa tinanggap umanong mga magagarang sasakyan ng mga obispo mula sa PCSO.Giit nito, hindi ito Pajero at inalok lang ito sa kanila na sa katunayan ay isinauli na.

Facebook Comments