Davao City Police, Muling Nagpaalala Sa Mga Bawal Dalhin Sa Gaganaping ‘Du31 Thanksgiving Party’ Mamayang Hapon

38

MANILA – Ilang oras bago ang gaganaping ‘Du31 Thanksgiving Party’ sa Crocodile Farm sa Davao City mamayang hapon… Muling nagpaalala ang Davao City Police sa mga ipinagbabawal na dalhin sa venue.Sa interview ng RMN kay Davao City Police Office Chief Inspector Milgrace Driz, nanawagan siya na huwag nang magdala ang mga ipinagbabawal para maiwasan ang aberya sa mga pupunta sa event.Kasabay nito, tiniyak din niya ang kanilang paghahandang ginawa sa seguridad ng Thanksgiving Party.Ipinaalala din niya na sakaling umulan ay hindi rin pinapayagan ang pagdadala ng payong kundi kapote lang ang maaring gamitin ng mga dadalo.Inaasahang aabot sa 200, 000 ang pupunta sa “Du31: One Love, One Nation Thanksgiving Party”.Magsisimula ang Thanksgiving Party mamayang ala-1:00 ng hapon hanggang ala-1:00 ng madaling araw bukas (Linggo).

Facebook Comments