Arci Muñoz at Gerald Anderson, excited na sa bago nilang pelikula

Manila, Philippines – Excited na sina Arci Muñoz at Gerald Anderson sa opening ng kanilang pelikula na “Can We Still Be Friends”.

Ang nasabing pelikula ay ipalalabas sa June 14 kung saan istorya ito ng dalawang magkasintahan na nagkahiwalay at sinusubukang maging magkaibigan kaya’t relate-na-relate ang dalawa.

Nabatid na nakipagpustahan pa si Arci sa iba pang artista tungkol sa pagpasok sa relasyon kung saan matatandaan na na-chismis ito kay Daniel Matsunaga.


Kani-kanila din silang hugot nang tanungin kung kaya ba nilang maging kaibigan ang kanilang dating karelasyon.

Hindi din nakasagot ang dalawa kung iimbitahan nila ang kanilang mga ex sa showing ng kanilang pelikula pero kanila na lang iniimbitahan ang kanilang mga fans na manood na lamang nito.

DZXL558

Facebook Comments