Arci Muñoz – bumuwelta sa kanyang bashers

Showbiz – Binuweltahan na ng aktres na si Arci Muñoz ang mga netizen na nang-iintriga sa umano’y pagpaparetoke niya.

Isang Instagram user kasi ang nag-comment ng “your lips look horrible” sa selfie ni Arci sa bakasyon niya sa Europe noong Hunyo.

Agad itong sinagot ng aktres at sinabing “and so is your face. And yer [your] attitude”.


Una nang itinanggi ni Arci na retokada ang kanyang labi at ino-overline lang niya ang kanyang lipstick para mas magmukhang pouty ang kanyang labi.

Banat pa niya, ano naman kung sakali ngang magpa-surgery siya kung iyon naman ang magbibigay sa kanya ng mas mataas na confidence sa kanyang sarili.

Dati nang naiintriga si Arci dahil raw sa retokada nitong ilong, labi at balakang na una na rin niyang itinanggi.

Facebook Comments