Mga kompanya ng langis, isa-isa nang nag-aanunsyo ng price adjustment

Manila, Philippines – Dagdag-bawas sa presyo ng langis ang sasalubong sa mga motorista bukas, August 15.

Alas 12:01 ng madaling araw, magpapatupad ng dagdag na P0.45 sa kada litro ng gasolina ang Flying V habang P0.10 bawas-presyo naman sa diesel at kerosene.

Parehong dagdag-bawas din ang ipatutupad ng seaoil pero epektibo ito ng alas sais nang umaga bukas gayundin ang PTT Philippines maliban sa kerosene.


Mamaya inaasahang mag-aanunsyo na rin ng kanilang mga oil price adjustment ang iba pang kompanya ng langis.

Ito na ang ika-apat na linggong sunod-sunod na price hike sa presyo ng gasolina.

Facebook Comments