Arci Muñoz, trending na naman dahil sa ilong nito

Showbiz – Trending ngayon sa twitter at talagang pinagpe-pyestahan sa Facebook si Arci Muñoz matapos kumalat ang mga pictures nito na nagpapakita ng kanyang ilong na sinasabing sumailalim sa nose lift procedure.

Sa post ng isang netizen sa Facebook na umani na ng mahigit 20,000 shares, inihalintulad ng ilang netizens si Arci kay yumaong King of Pop Michael Jackson.

Kalat din ang memes at collage na magkatabi si Arci at Alma Concepcion na nagpapakita ng pagkakahawig ng dalawa.


Wala pang pahayag si arci ukol sa mga natatanggap na reaksyon sa mga netizens.

Matatandaan na dati na ring ibinabato ang isyu ng pagpaparetoke kay Arci hindi lang ng ilang parte ng mukha nito kundi pati na rin ng kanyang katawan na lagi namang hindi diretsong makumpirma o maitanggi ng aktres.

Facebook Comments