Mag anak patay matapos na saksakin ng kinakasama ng kanilang ina

Patay sa pananaksak ang isang lalake, samantala sugatan ang isang babae na live in partner ng suspect at mga anak nito.

Namatay sa nasabing pangyayari ang isang Rennel Valle, ang kapatid ng live in partner ng suspect. Samantala sugatan naman ang live in partner ng suspect na si Metchel Bautista, at mga anak nito na sina Janine Bautista, Trexie Bautista at Lance Bautista, na mga residente ng Hillside Brgy. Lapasan sa lungsod ng Cagayan de Oro.

Napag-alaman na kinompronta ng suspect na si Ernesto Tagucon, ang kaniyang kinakasama matapos nitong marinig ang pakikipag usap nito sa kaniyang kasamahan sa trabaho na isang tomboy.


Nagduda umano ang suspect na may relasyon ang kaniyang kinakasama at ang nasabing tomboy hanggang sa nauwi sa pagtatalo ang kanilang komprontasyon na humatong sa pananaksak ng suspect sa mag anak na agad namang ikinamatay ng biktimang si Rennel Valle.

Sa ngayon ay nagpapagamot na sa Northern Mindanao Medical Center ang mga biktima, samantala nakakulong na sa mini cell ng Agora Police Station ang suspect.

By: Kasamang Joanna Ricote

Facebook Comments