Kasabay ito ng kanyang pagdalo bilang pangunahing panauhin sa isinagawang MOA Signing, Donning of Ranks, Change of Command of Battalion Commander ng 202nd Ready Reserve Battalion Isabela at Closing Ceremony ng BCMT CL 02-2021 na ginanap sa Isabela State University (ISU) Echague Campus nitong ika-8 ng Enero taong kasalukuyan.
Hinimok nito ang mga miyembro ng 202nd Ready Reserve Battalion Isabela na ipagpatuloy ang buong suporta at paggampan sa tungkulin para mawakasan ang insurhensiya sa rehiyon.
Pinayuhan din ni MGen. Felipe ang mga reservist na maging lider, madiskarte at makabayan sa pagbibigay ng serbisyo sa publiko, magkaroon ng inisyatiba at paghandaan ang anumang dumarating na pagsubok.
Pinasalamatan naman nito ang mga reservists sa pagsali sa Reserve Command bilang karagdagang pwersa ng Hukbong Sandatahan ng Pilipinas kaya’t nagpayo din ang nasabing opisyal na ibigay dapat ang kanilang buong makakaya sa pagsisilbi sa taong bayan.
Maging ang pamunuan ng ISU-Echague na pinamumunuan ni Dr. Ricmar Aquino ay pinasalamatan din ni MGen. Felipe sa pag-aalok ng nasabing paaralan para sa magandang venue.