Bagong kaso ng COVID-19 ngayong araw, umabot sa 28,707

85

Naitala ngayong araw ng Department of Health ang pinakamataas na bilang ng bagong kaso ng COVID-19.

Ito ay matapos na madagdagan ng 28,707 ang bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19 sa bansa dahilan upang sumampa na sa 2, 965, 447 ang total cases.

Kaugnay nito, nasa 128,114 na ang bilang ng aktibong kaso habang umabot naman sa 2,785,183 ang total recoveries matapos makapagtala rin ng 2,579 na gumaling.


15 naman ang nadagdag sa mga nasawi para umakyat pa sa 52,150 ang kabuuang bilang ng mga pumanaw dahil sa COVID-19.

14 laboratoryo ang hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 document repository system.

Facebook Comments