ARESTADO │Dalawang high value target sa droga sa El Salvador City, Misamis Oriental, huli

Misamis Oriental – Matapos ang ilang buwang surveillance, nakuwelyuhan na rin ang dalawang high value drug personality ng PDEA sa El Salvador City, Misamis Orien*tal.*

Kinilala ang mga arestado na sina Nestor Olango, at Dominic Miculob .

Nakumpiska ng anti-narcotics agents mula sa dalawa ang pitong gramo ng hinihinalang shabu matapos bentahan ang isa nilang ahente sa Block 12, Amparo Village.


Nakatakdang sampahan sina Olango at Miculob ng paglabag sa Sections 5 at 11, Article II of RA 9165.

Facebook Comments