ARESTADO | 16-anyos na lalaki, nahulihan ng shabu sa tapat ng isang eskwelahan sa QC

Manila, Philippines – Kalaboso ang isang menor de edad na nakuhanan ng shabu sa tapat ng isang eskwelahan sa Barangay Payatas, Quezon City.

Kinilala ang suspek sa alyas na Jim, 16-anyos.

Nagsasagawa ng anti-criminality operations ang mga pulis nang makita si Jim sa tapat ng isang paaralan sa Molave corner Payatas road na walang suot na damit pang-itaas.


Nang kapkapan, nakuha sa binata ang tatlong sachet ng hinihinalang shabu.

Nasa kustodiya na ng Department of Social Welfare And Development (DSWD) si alyas Jim at sasampahan ng kaukulang kaso pagdating sa hustong gulang.

Facebook Comments