ARESTADO | 18-anyos na estudyante, huli sa buy-bust operation sa Quezon City

Manila, Philippines – Sa kulungan na mag papakitang gilas ng paglalaro ng basketball ang isang 18-anyos na varsity player matapos itong mahuling nagbebenta ng marijuana sa Barangay San Maritin de Porres sa Quezon City.

Diskarte ng suspek na si Alyas Joel na ibalot sa papel ang marijuana at isisiksik niya ito sa paso ng halaman na nasa gilid ng kalsada sa Banahaw Street saka ite-text ang kustomer na nailagay na niya doon ang iligal na droga.

Minalas naman ito nang maka-transaksiyon ang isang pulis at nang puntahan para bayaran ang nakuhang marijuana ay dito na siya naaresto.


Napag-alaman na magaling na basketball player ang suspek na estudyante sa grade 11 sa darating na pasukan.

Facebook Comments