ARESTADO | 2 lalaki at menor, huli sa buy bust operation sa Bulacan

Sta. Maria, Bulacan – Huli sa buy bust operation ng Bulacan PNP at PDEA ang tatlong lalaki kabilang ang isang menor de edad sa Barangay Guyong, Sta. Maria, Bulacan.

Nakuha sa mga suspek ang 32 sachet ng Marijuana na may bigat na 243 grams at may street value na P48,000.

Nahuli ang tatlo matapos nilang bentahan ng dalawang tea bag ng Marijuana ang pulis na nagpanggap na buyer.


Lumalabas sa imbestigasyon na ang marijuana ay nanggaling pa sa Buscalan, Tinglayan, Kalinga.

Facebook Comments