ARESTADO | 2 Taiwanese national, huli sa illegal detention

16

Pasay City – Kalaboso ang dalawang Taiwanese national matapos sapilitang idetene ang isa bilang kababayan sa Pasay City.

Ayon sa Pasay Police, makarating sa kanila ang text message ng biktimang si Andy Chou na humihingi ng tulong dahil dine-detain raw siya sa isang condominium sa lungsod.

Naabutan anila sa isang kuwarto ang biktima at binabantayan ng dalawang suspek.

Kwento ng biktima, may utang daw kasi ang biktima sa mga suspek na ginamit niya pansugal sa casino at pinilit siyang singilin kahit wala pa siyang pambayad.

Nakikipag-ugnayan na ang Pasay Police sa embahada ng Taiwan sa Pilipinas para sa pagkakakilanlan ng dalawang suspek na kinasuhan ng illegal detention.

Facebook Comments