ROAD CRASH | 2, patay sa pagsalpok ng isang van sa truck

10

Negros Occidental – Patay ang dalawang tao makaraang sumalpok ang isang van sa nagkaaberyang truck sa Bago City, Negros Occidental.

Huminto noon ang truck sa gilid ng kalsada sa Barangay Calumanggan nang magkaproblema ang gulong nito.

Pero bigla na lang sumalpok ang van na mabilis ang takbo sa gilid ng truck at sa pahinante nito na nag-aayos noon ng gulong.

Dahil dito, agad nasawi ang pahinanteng si Rolando Limaco.

Dumiretso naman van sa kanal sa gilid ng highway na nagresulta sa pagkasawi ng 22-anyos na pasahero nito na nagtamo ng sugat sa ulo.

Sumuko naman ang driver ng van sa mga awtoridad.

Inaalam na ng pulisya kung kolorum ang van na galing sa Sipalay City dahil hindi naman magkakakilala ang ilan sa mga pasahero nito.

Facebook Comments