ARESTADO | 3 miyembro ng grupong sangkot sa robbery sa mga kainan sa Metro Manila, timbog

Manila, Philippines – Arestado ang tatlo ng miyembro ng armadong motorcycle-riding group na sangkot sa robbery sa mga kainan sa Metro Manila.

Kinilala ang mga suspek na sina John Christopher Ramirez alyas “Potpot” na siyang lider ng grupo; live-in partner niyang si Jonah Marie Santos at Jaimeson Zhang.

Kagabi nang biktimahin ng mga suspek ang isang kainan sa Barangay Ramon Magsaysay, Quezon City, kung saan sa loob lang ng 45 segundo, nalimas nila ang benta ng kainan at ilang mahahalagang gamit ng mga customer nito.


Una nang nilooban ng grupo ang isang kainan sa Caloocan City noong June 20 at isa pa noong June 24.

Sila rin ang itinuturong suspek sa nangyaring holdapan sa gilid ng kalsada sa West Avenue, Quezon City.

Samantala, lima pang miyembro at financier ng notoryus na grupo ang patuloy na tinutugis ng pulisya.

Facebook Comments