HINDI TAMA | "Strip Search" ng 4 na pulis-Makati sa isang babae, mali kahit demo lang – NCRPO Dir. Eleazar

Manila, Philippines – Kahit saang anggulo tingnan, mali ang ginawang “Strip Search” ng apat na pulis-makati sa isang babae.

Kahapon nang humarap din sa media ang babaeng umano ay pinaghubo at hubad ng apat na pulis para kapkapan ng iligal na droga.

Dito ay nilinaw ng biktima na hindi siya drug suspect, sa halip ay isang Guest Relations Officer (GRO) na boluntaryong nagpabayad para sa isang live demonstration seminar.


Pero giit ni NCRPO Director C/ Supt. Guillermo Eleazar – kung sakali man na demo nga ang nangyari, drug suspect man o hindi, hindi naman kailangan na hubuan pa ang babae.

Sinibak na kahapon ang apat na pulis na sangkot sa insidente habang kahapon ay sinabi ng biktima na desidido siyang kasuhan ang sinumang kumuha ng video at nagpakalat nito.

Facebook Comments