BAKBAKAN | CAFGU member, patay sa engkwentro sa Davao City

Patay ang isang miyembro ng Citizen Armed Force Geographical Unit (CAFGU) habang sugatan ang isang sundalo sa engkuwentro ng 3rd Infantry Battalion (IB) ng Philippine Army at mga hinihinalang miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Barangay Salaysay sa lungsod na ito Biyernes ng hapon.

Kinilala ang namatay na miyembro ng CAFGU na si Jonel Ombayo na wala pang isang taon sa serbisyo.

Habang sugatan sa engkuwentro si Private First Class Dave Gonzales.


Ayon sa 3rd IB, bigla silang pinaputukan ng Pulang Bagani Command 2 at Guerilla Front 53 ng NPA sa Sitio Alicuson nang rumesponde sila sa mga sumbong ng mga residente laban sa pangingikil ng nasabing grupo.

Pinasabugan din anila ng mga ito ang landmine kaya gumanti na ng putok ang mga sundalo.

Patuloy naman ang hot pursuit operation laban sa mga miyembro ng NPA.

Facebook Comments